Picture
Farmers camp-out at Mendiola
100-Day Peasant Camp-out for Land and Justice

July 1, 2010 - onwards the first 100-day of administration of president Benigno "Noynoy" Aquino.

The peasant camp-out to demand president Aquino to implement immediate and urgent pro-farmer programs and measures.  Their demands are listed below (in Filipino).

ANG MGA PANGKALAHATANG KAHILINGAN NG MAGBUBUKID
KAY PANGULONG NOYNOY AQUINO


I.    IPATUPAD ANG TUNAY NA REPORMA SA LUPA
A.    Tunay na Reporma sa Lupa
1.    Ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka na siyang nagbungkal at nagpaunlad sa mga ito. Ibaba ang upa sa lupa (na ngayon ay karaniwang 50% ng kabuuang ani) sa mga sakahang saklaw ng buwisan at kasama.
2.    Itigil ang Landgrabbing at pagpapalayas sa magbubukid sa sakahan, kanselasyon ng mga Certificate of Land Transfer, Emancipation Patent, Certificate of Land Ownership Award, Land Use at Crop Conversion, kagyat ang mga isyu sa :
a)    Hacienda Yulo sa Bgy. Canlubang, Calamba, Laguna, kung saan ang mga magsasaka ay nagbungkal na panahon pa ng kolonyalismong Amerikano ngunit inangkin ng pamilyang Yulo at ngayon ay pinapalayas ang mga magsasaka
b)    Hacienda Looc, Nasugbu, Batangas, bagama’t napaka-produktibo ng mga sakahan, in-aprubahan ng Dept. of Agrarian Reform (DAR) ang Land Use Conversion at ngayon ay hakbang-hakbang na ikinukumbert ng Fil-Estate at Manila South Coast Dev’t Corp. (pag-aari ni Henry Sy ng SM).
c)    Ang Araneta “Lands” sa Bgy. Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ilang dekada nang sinasaka ng mga magsasaka, isinangla na ng mga Araneta ang lupa noong panahon ng Martial Law at nasaklaw ng Bangko Sentral ngunit ngayon ay inaangkin ng mga Araneta, sa pangunguna ni Greggy Araneta at Irene Marcos at pinapalayas ang mga magsasaka.
d)    Ang Parawagan sa Bgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal. Ang mga lupa ay sinasaka na ng mga magsasaka ngunit patuloy ang Landgrabbing ng mga speculators at mga nagnanais kumita sa pagbebenta ng lupa.
e)    Ang produktibong sakahan sa San Miguel, Bulacan na inaangkin ni Rep. Luis Villafuerte. Bago pa ang rehimeng Marcos, nagsaka na ang mga magsasaka ngunit ngayon ay inaangkin ni Rep. Villafuerte upang gawan eco-tourism na proyekto, kasama ang Green Earth Heritage Foundation ng kanyang anak at manugang.
f)    Ang sakahan sa Central Mindanao University, Bukidnon, na pinaunlad ng mga magsasaka ngunit sila ngayon ay tinatangkang palayasin ng administrasyon ng unibersidad.
g)    Ang sakahan sa Lubao, Pampanga na inangkin ng mga Pineda at marahas na pinalayas ang mga magsasaka noong Pebrero 2010.
h)    Mga daang ektaryang sinasaka ng mga magsasaka na inaangkin ni CA Justice Cheng Veloso. 
3.     Itigil ang mga kontra-magsasakang iskema ng mga lokal at dayuhang plantasyon tulad ng contract-growing, joint-venture, corporate farming, corporative scheme at iba pang kahalintulad nito.
B.    Pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na kumikilala sa karapatan ng magsasaka na ariin ang lupa at mawasak ang monopolyo sa lupa, agro-korporasyong local at dayuhan, at Pagbasura sa kontra-magsasakang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with ‘Reforms’ o CARPER.
C.    Suportang Serbisyo sa Pagsasaka.
1.    Subsidyo sa pagsasaka, pautang sa mga magsasaka sa mababang interes upang magamit sa produksyon, irigasyon at post-harvest facilities.
2.    Itakda ang minimum na presyo ng palay sa P15 kada kilo at bilhin ng National Food Authority (NFA) ang minimum na 25% ng kabuuang lokal na suplay ng palay direkta sa magsasaka, mobile palay buying station, gawing abot-kaya, sapat at ligtas ang bigas sa bansa, magtakda ng price ceiling sa bigas.
3.    Isabatas ang Rice Industry Development Act o RIDA.
4.    Pagbuwag sa mga kartel sa bigas, asukal at mga mayor na produktong agrikultural.
D.    Pagtataas ng Sahod ng mga Manggagawang Bukid at Pagpapahusay ng Kondisyon ng Kanilang Pamumuhay.
E.    Ipamahagi ang hacienda Luisita sa mga Manggagawang Agrikultural at Ibasura ang Stock Distribution Option (SDO).
F.    Ibalik ang Coco Levy Funds (P 130 bilyon) sa mga Magsasaka sa Niyugan.
G.    Kilalanin ang Karapatan sa Lupang Ninuno ng mga Katutubong Mamamayang Pilipino at ang Kanilang Karapatang Magpasya sa Sarili, Sistemang Panlipunan at Kultura.

II.     KARAPATANG PANTAO AT MILITARISASYON
A.    Kagyat na Itigil ang Militarisasyon sa Kanayunan
B.    Itigil ang Kriminalisasyon ng mga Kasong Agraryo
C.    Itigil ang Extra-Judicial Killings (EJK), Enforced Disappearances at “Arrest and Detention” sa mga nakikibakang magbubukid at mamamayan.
D.    Katarungan para sa mga lider-magsasaka na biktima ng EJK tulad nina Ka Eddie Gumanoy ng KASAMA – Timog Katagalugan, Ka Renato Pacaide ng KMP Far Southern Mindanao Region, Ka Fermin Lorico ng KAUGMAON – Negros Oriental, Ka Marcelino Beltran ng AMT – Tarlac, Ka Joey Javier ng DANGGAYAN – Cagayan Valley, Ka Celso Pojas ng FADC – Davao City, biktima ng Enforced Disappearances tulad nina Ka Nilo Arado ng PAMANGGAS – Panay, Jonas Burgos ng AMB – Bulacan at iba pa. Katarungan sa iba pang biktima ng Human Rights Violations.
E.    Pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal tulad nina Felicidad Caparal ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) na nakakulong ngayon sa Catarman, Northern Samar, Antipolo 4, Quirante Sisters sa Negros, Cadiz 4, Buenavista 5 at iba pa
F.    Katarungan sa mga biktima ng Mendiola Massacre, Lupa Massacre, Palo Massacre, Kanangga Massacre at Hacienda Luisita Massacre  

III.    PAMBANSANG PROKTESYON AT PANGANGALAGA SA AGRIKULTURA, MAGSASAKA AT LIKAS YAMAN PARA SA FOOD SELF-SUFFICIENCY NG BANSA
A.    Pagbaklas ng bansa sa World Trade Organization (WTO)
B.    Ipawalambisa ang Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA), Fisheries Code of 1998, Mining Act of 1995, Agricultural Tarrification Act at iba pang batas na kontra sa kabuhayan ng magsasakang Pilipino
C.    Ibasura ang 100% Foreign Ownership of Land at Charter Change
D.    Itigil ang liberalisasyon ng agrikultura ng bansa
E.    Itaguyod ang Food Self-Sufficiency, huwag iasa sa pag-import ang suplay ng mga pangunahing pagkain sa bansa tulad ng bigas
F.    Bilhin ng National Food Authority ang lokal na palay at pababain ang presyo ng bigas
G.    Itigil ang komersyalisasyon at i-ban ang Genetically Modified Organisms (GMOs), Hybrid Rice, BB Rice, Bt Corn at iba pa, gayundin ang hybrid varieties tulad ng hybric rice at corn, hybrid papaya at iba pa
H.    Buwagin ang International Rice Research Institute (IRRI) at palayasin sa bansa. Ibalik sa mga magsasakang inagawan ng lupa ng institusyon.
I.    Itaguyod ang mga katutubo at tradisyunal na binhing hindi umaasa sa mga mamahaling agro-chemical inputs. Isulong ang sustainable agriculture at organic farming
J.    Itigil ang pandarambong at paninira ng kalikasan at likas na yaman ng bansa  

IV.    ITIGIL ANG KORAPSYON
A.    Panagutin ang mga may kagagawan at nakinabang sa P728 M Fertilizer Fund Scam, P218.7 M Rice Scam, P135 M Veggie Scam at iba pang scam na ginamit ang pondo na dapat ay para sa magbubukid
B.    Itigil ang korapsyon sa Dept. of Agriculture at ibigay sa mga magsasaka ang karampatang suporta at subsidyo 

V.    RELIEF AT REHABILITASYON SA MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG BAGYONG ONDOY AT PEPENG, AT EL NIÑO
A.    Ipatupad ang Relief at Rehabilitasyon sa mga lugar na apektado.
1.    Suporta sa pagpapaayos ng bahay,
2.    Suporta sa binhi at seedling ng palay, gulay, prutas, halamang-ugat, niyog at iba pa
3.    Suportang pinansya na P10,000 hanggang P15,000 kada ektaryang sakahan,
4.    0% interest rate na pagpapautang ng Land Bank sa mga magsasaka sa halagang P10,000 hanggang P15,000 kada ektaryang sakahan
5.    Suportang para sa gamit sa pagsasaka tulad ng kalabaw, traktora at krudo
6.    Paggawa ng mga potable water supply at irigasyon, kalsada, kuryente at iba pang serbisyo
7.    Moratorium sa paniningil ng National Irrigation Administration at mga pribadong irrigation ng irrigation fee at pagkansela sa mga back-account.
8.    Kabuhayan para sa mga magsasaka
9.    Awtomatikong pagbura sa mga utang ng mga magsasakang nasalanta ng bagyo at El Niño o kaya’y moratorium ng paniningil sa kanila


 


Comments


Comments are closed.