Picture









FACTSHEET
Prepared by Tanggol Magsasaka (Peasant Network for Land, Justice and Human Rights)

Kaso
Illegal Arrest and Detention, Torture

Biktima Dario Bation Tomada, 50 taong gulang, dating National Council member ng KMP at  Chairperson ng Samahan han Gudti nga Parag-uma ha Sinirangan Bisayas (SAGUPA-SB),  residente ng Brgy. Tagaytay, Kanangga, Leyte

Petsa ng pangyayari Hulyo 22, 2010, bandang 11 ng gabi

Lugar ng Pinangyarihan Discovery II Bar, Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna

May kagagawan Limang (5) kalalakihan na pinaghihinalaang mga ahente ng Intelligence Service of the AFP (ISAFP) na nakasakay sa Mitsubishi van na may plate number na CMB 517

Motibo Pinagbibintangang may kinalaman sa mass grave (multiple murder, 15 counts of murder) na natagpuan sa Inopacan, Leyte

Buod ng pangyayari

Noong Hulyo 22, 2010, bandang alas 11 ng gabi, inaresto si Dario Tomada, 50 taong gulang, nagtratrabaho bilang doorman at parking attendant sa Discovery II Bar, Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna. Siya ay inaresto ng limang lalaking nakasibilyan na pinaghihinalaang mga elemento ng AFP na lulan ng Mitsubishi van na may plate # CMB 517.

Bago ang insidente, alas 10:50pm, habang nasa labas ng bar si Tomada, may dumating na Mitsubishi van at bumaba ang isang lalaki’t nagtanong sa kanya kaugnay sa kung anong oras magsasara ang bar at kung pwedeng maglabas ng babae?. Pagkatapos magtanong sumakay ang lalaki sa van at umalis palayo sa bar. Pagkatapos ng 10 minuto, bumalik ulit ang van at bumaba ang limang lalaki, may ipinakitang warrant of arrest kaugnay sa 15 counts of murder at inaresto si Dario.

Hindi na nakapalag si Tomada kaya sumama siya at itinulak papasok sa van. Kaagad siyang pinosasan at nilagyan ng piring.  Nang maaresto, kinuha ng mga ahente ang kanyang 2 cellphone.

Sa pagtaya ni Tomada, dumating sila ng Camp Aguinaldo nang 12 ng hatinggabi. Habang nakaposas at nakapiring ay inimbestigahan siya ng mga ahente ng ISAFP na umabot sa 30 minuto. Pinagsasampal siya ng ilang beses ng isang ahente at pinapaaming kasabwat siya sa pagpatay sa mga biktimang natagpuan sa mass grave sa Inopacan, Leyte. Pagkatapos ng matinding interogasyon, siya ay pinakain ng tapsilog at nalasahan niyang parang may nilagay na droga sa pagkain, dahil sumakit nang matindi ang tiyan niya, pinagpawisan siya ng malamig, nanuyo ang kanyang  lalamunan at pakiramdam niya ay na-overdose siya ng gamot. Habang nakaposas at nakapiring, siya ay pinatulog sa isang kama na hindi niya alam kung sa loob ng selda.

Noong Hulyo 23, 2010, alas 6 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon, naulit-ulit ang interogasyon kay Tomada habang siya pa rin ay naka-piring. Ayon sa kanya, inimbestigahan siya ng 4 na beses ng iba’t ibang lalaki. Tinatanong siya kung kailan siya napunta ng Maynila, ano ang ginagawa niya at kaugnay sa kanyang pamilya.  Tinanong din siya kung lumapit ba siya sa KMP.

Sinabi ni Tomada na umalis siya ng Eastern Visayas nang barilin ang kanyang bayaw noong 2006 na sa kanyang pagtingin ay napagkamalang siya.  Binanggit niya ring siya ay organizer ng mga magsasaka, tumutulong sa kanila at hindi siya NPA. Binanggit niya rin na pagdating niya ng Maynila, pumasok siya sa iba’t ibang trabaho upang suportahan ang pamilya.

Kaugnay nito, inalok siya ng mga ahente ng pera at makakalaya siya kapalit ay magbibigay siya ng mga pangalan ng aktibista na kumikilos sa Luzon. Kapag sinasagot niya na wala siyang kilala, sinasaktan siya at pinipisil-pisil ang kanyang suso at pinipingot ang kanyang tenga. Nagresulta ito ng malaking pasa sa kaliwang suso.

Tumawag pa mismo ang mga ahente ng ISAFP sa 19th Infantry Battalion sa Leyte para ikumpirma kung bakit tinutulungan ni Tomada ang mga magsasaka at kaugnayan nito sa NPA.

Sa buong panahon ng interogasyon, siya ay nanatiling nakapiring at nakaposas.

Bandang alas 3 ng hapon, tinanggal na ang kanyang piring at posas at dinala siya sa CIDG-NCR sa Camp Crame at kinuhaan ng finger prints at physical examination. Nanatili siya dito hanggang alas 6 ng gabi at dinala sa Camp Karingal, Sikatuna, Quezon City hanggang sa kasalukuyan.
 


Comments


Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply